Just attended a seminar last 08-10 October 2008 in Diliman, Quezon City held at DOLE - Occupational Safety and Health Center with my two co-employees.
Seminar ang title nito kasi gusto ko sanang i-share ang mga disadvantages and advantages ng pag-attend dito.
This one medyo okay kasi live-in kami ( meaning nagstay kami sa dormitory rooms ng OSHC ).
Advantage : Di ka mahihirapan mag-commute araw-araw kasi andon ka na. Hirap kayo magcommute ngayon with the traffic and all...
Disadavantage : Boring lang kasi as in wala ka talaga gagawin doon sa room mo after seminar not even magbilang ng butiki kasi wala naman...hehehe...
Adavantage : Buti na lang malapit siya sa Trinoma as in walking distance lang so puwede kami lumabas then balik na lang pag magsasara na ang mall at least pamatay oras din yon..hehehe
Seminar Proper : Marami ka mamimeet -- isipin mo na lahat ng klase ng tao baka mameet mo don ( advantage yan kasi networking para pag sawa ka na sa current employer mo may ilang contacts ka na machichika di ba ? )...
Kaya lang may disadvantge pa rin kasi kukulot talaga kilay mo lalo na pag Question and Answer portion na...ang dami pasaway... tatanda ka sa buwisit kaya ako sit back and relax na lang drama ko alangan namang umepal pa me eh ang dami na nila...
Ang food sa seminar nakapack dahil sa dami namin ( around 500 na tao ), by the way National Congress kasi yon , at disadavantage ito kasi kahit gutom ka pa wala ng extra rice ...hahaha unlike pag eat all you can ( may ganyan seminar mas mahal nga lang ) lafang to the max ka di ba...
You learned a lot of new things lalo na pag seryoso ka sa pakikinig sa mga topics na diniscuss..yung dalawa kasama ko hindi...hahaha
Advantage yan... Kaya lang dahil sa dami ng topics at sunod sunod ang presentation ( simultaneous pa nga with other venues ) mapapraning ka...hehehe ..disadvantage yan..
Pero at least for three days medyo naging breather ko ito sa usual work ko di ba... Advantage yan...
Bye for now... Pray always and be safe parati....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment